Sa isang munting ngunit makasaysayang yugto ng Tri-College PhD Philippine Studies Program, (TCPPSP), ipinagtanggol ng limang mag-aaral ang kanilang mga disertasyon sa pamamagitan ng Zoom. Hudyat na rin ng pagpapasailalim ng Metro Manila sa kuwarantina, ito ang kauna-unahang pagkakataong ginamit ang platapormang ito sa kasaysayan ng programa, na nagsimula noong 2004.
Narito silang mga mag-aaral ng TCPPSP at ang pamagat ng kanilang mag disertasyong ipinagtanggol gamit ang Zoom. Isang malaking pagbati!
Guillerma Mendoza
Diskarte: Understanding Design Culture through the Chairs of the Filipino Design Exemplars
Maria-Teresa Galura
Subli (Ang Pamana): Philippine Culture and Values in the Governance of Filipino-Owned Family Corporations in the Philippines
Minard Reyes
Piso, The Image of Filipino Identity: The Concealed Value of Philippine New Generation Currency
Romeo Peña
Naratibo ng Lubi sa Ating Gunita: Ang Industriya ng Niyog sa Panitikan at Kasaysayang Pilipino, 1940–2018
Christoffer Mitch Cerda
Katwiran ng Kasaysayan: Ang Alegoryang Pangkasaysayan at ang Diskurso ng Kasaysayan, Nasyunalismo, at Bayan sa mga Nobelang Pangkasaysayan sa Wikang Tagalog, 1905–1927
Itinatag ang Tri-College PhD Philippine Studies Program (TCPPSP) noong 2004 nang magsanib ang tatlong programang pam-PhD ng Kolehiyo ng Arte at Literature (KAL), ng Kolehiyo ng Agham Panlipunan at Pilosopiya (KSSP), at ng Sentro ng Araling Asya (Asian Center, AC). Tingnan ang website upang malaman ang mga detalye ng programa: pangangailangan sa pag-apply, atbp. Tumatanggap ang TCPPSP ng bagong aplikanteng estudyante tuwing semestre. Ang AC ang Secretariat ng TCPPSP.
Tingnan ang kabuuang listahan ng mga tesis at disertasyon.
The Asian Center offers M.A. degrees in Asian Studies with four fields of specialization: Northeast Asia, Southeast Asia, South Asia, and West Asia. The Center also has an M.A. program in Philippine Studies that allows students to major in Philippine society and culture, Philippine foreign relations, or Philippine development studies. The Center offers a Ph.D. program in Philippine Studies in conjunction with the College of Arts and Letters and the College of Social Sciences and Philosophy. The Asian Center also publishes Asian Studies: Journal of Critical Perspectives on Asia.