Magdaraos ang Tri-College Ph.D. Philippine Studies Program, UP Diliman ng isang webinar, “Wikang Filipino at Iba pang Rehiyunal na Wika at Gamit Nito sa Panahon ng mga Hamon at Krisis,” sa 28 Agosto 2020, 2:00 n.h–5:00 n.h. (GMT+8:00, Oras ng Pilipinas). Libre at bukas ito sa lahat. Sarado na ang Zoom registration, pero maaring magpatala sa ibaba upang makuha ang link sa YouTube livestream ng 28 Agosto 2020, 2 n.h.
PANOORIN ANG LIVESTREAM
Sa mga hindi makakapasok sa webinar gamit ang Zoom, maaaring mapanood ang talakayan sa YouTube.
UKOL SA WEBINAR
Nilalayon ng webinar na ito na bakasin, unawain, gamitin, aralin, suriin, at gawin ang mga makahulugan, makatuturan, at makabuluhang penomenong pangwika, kalakarang panlipunan, at mga kaganapang pangkasaysayan na naging sanhi sa sama-samang pagkilos, pagkakaisa, at pagbangon ng mga Pilipino mula sa iba’t ibang hamon at krisis. Ito ay bahagi ng isang serye ng mga webinar na may temang "Ang Wika at Kasaysayan sa Pagkakaisa at Pagbangon." Tingnan sa ibaba para sa karagdagang kaalaman.
ANG MGA LEKTURA
Wikang Filipino at Kasaysayan: Tungo sa Paglikha ng Kaalamang Panlipunan at Paglilingkod-Bayan sa Pilipinas
VICENTE C. VILLAN, PhD
Propesor, Departamento ng Kasaysayan, Kolehiyo ng Agham Panlipunan at Pilosopiya, UP Diliman
Fureba (Danas), Kapiyanan (Ginhawa), at Angngikaku (Malasakit): Pagsipat sa Pagsasanib ng mga Wika sa Pagharap sa Hamon at Krisis ng mga Katutubo
JOEL AMILHASAN M. PAGUIRIGAN, JR.
Consultant/lecturer, Darwin International School, Bulacan
Commissioned Researcher, Komisyon sa Wikang Filipino
Pandeleksikon: Mga Katutubo at Rebolusyonaryong Salita na Kailangang Gamitin sa Pagharap sa Pandemya
JOHN E. BARRIOS, PhD
Propesor, Division of Professional Education, College of Arts and Sciences, UP Visayas.
Seuret-uret, Limud, at Tiyawan: Wika at Buhay ng Talastasang-Bayan ng mga Katutubong Teduray sa Mindanao
WRENDOLF C. JUNTILLA
Instruktor, Notre Dame University, Mindanao
Reaktor
• NOEL CHRISTIAN A. MORATILLA, PhD
Koordinator, Tri-College PhD Philippine Studies Program, Asian Center, UP Diliman
Mga Gabay sa Pagpapatala at Paggamit ng Zoom
-
Ire-rekord at ilalagay ang webinar sa YouTube page ng UP Diliman Computer Center.
-
Sa talaan, ilagay ang email address na ginagamit sa inyong Zoom account. Makakatanggap kayo sa email ng link para sa webinar pagkatapos ng inyong pagpapatala. Sa mga wala pang Zoom account, maaari kayong kumuha ng libreng account.
-
Huwag ibahagi ang matatanggap na link para sa webinar. Tanging para sa inyo lamang po ito.
-
Limang daan (500) lamang ang makakalahok sa Zoom webinar. Sa mga hindi makakapasok sa Zoom meeting, maaaring mapanood ang webinar sa YouTube. Magpapaskil ng bagong registration link sa oras na maubos na ang 500 slots. Magpatala lamang kung tiyak na kayo ay makakapunta para mabigyan din ng pagkakataon ang iba pang nais na dumalo sa Zoom.
-
Sa mismong webinar, maaaring maglagay ng mga tanong sa Q and A window ng Zoom. Tanging mga host at panelist ang makakakita sa mga ito. Babasahin ang mga mapipiling tanong sa Open Forum at sasagutin ng mga tagapagsalita at reaktor.
-
Hindi maaaring gamitin—o hindi mabibigyang-pansin— ang “Raise Hand” feature ng Zoom webinar. Kung sakaling may mga komento na hindi laan para sa Q&A, maaari itong ilagay sa Chat window para mabasa at matugunan ng host, panelist o tagapagsalita.
-
Maaring alisin ng host ang sino mang hindi susunod sa mga alintuntunin at nagpapadala ng hindi angkop na tanong o komento.
-
Magpapadala ng paalala ang Zoom sa inyong email isang araw at isang oras bago magsimula ang webinar.
Ukol sa Webinar Series
Upang makiisa para maipalaganap ang kamalayan para sa pagpapahalaga sa wika at kasaysayang Pilipino, magsasagawa ang UP Tri-College ng isang Webinar na may temang “Ang Wika at Kasaysayan sa Pagkakaisa at Pagbangon.” Isasagawa ito sa darating na ika-28 ng Agosto 2020 sa ganap na ika-2:00 n.h.
Nakatuon ang temang itinataguyod ng UP Tri-College sa pagkilala sa wikang Filipino hindi lamang bilang isang kasangkapan sa komunikasyon at pakikipag-ugnayan, kundi higit sa lahat sa pagpapahalaga rito bilang kapahayagan ng realidad, daluyan ng kultura, at at imabakan ng kamalayan, Sa magkapareho ring diwa, bibigyang pansin din ang wika ng paglilingkod-bayan na naroon sa pagbibigay saysay sa mga naganap na naratibo ng pakikiisa, pagtulong, at pagdamay sa hinaing ng bayan para sa pagkamit ng kalayaan. Nagpapatuloy ang naratibong ito ng kabayanihan sa kasalukuyang panahon sa patuloy na pag-alay ng serbisyo, pagmamalasakit, at paghahandog ng buhay ng ating frontliners laban sa pandemyang COVID-19.
Mga Katanungan
Magpadala ng email sa This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it..
The UP Asian Center offers M.A. degrees in Asian Studies with four fields of specialization: Northeast Asia, Southeast Asia, South Asia, and West Asia. The Center also has an M.A. program in Philippine Studies that allows students to major in Philippine society and culture, Philippine foreign relations, or Philippine development studies. The Center offers a Ph.D. program in Philippine Studies in conjunction with the College of Arts and Letters and the College of Social Sciences and Philosophy. For an overview of these graduate programs, click here. The Asian Center also publishes Asian Studies: Journal of Critical Perspectives on Asia, the latest issue of which can be downloaded at the journal's website. For other news and upcoming events at the Asian Center, click here.